O, Birheng kaibig-ibig  Ina naming nasa langit,  liwanagan yaring isip  nang sa layo'y di malihis.   Ako'y isang hamak lamang  taong lupa ang katawan.  mahina ang kaisipan  at maulap ang pananaw.   Labis yaring pangangamba  na lumayag na mag-isa,  baka kung mapalaot na  ang mamangka'y di makaya.  O, Birheng kaibig-ibig  Ina naming nasa langit,  liwanagan yaring isip  nang sa layo'y di malihis.   Kaya, Inang matangkakal  ako'y iyong patnubayan  nangyari mawasto sa pagbanghay  nitong kakathaing buhay.   At sa tanang nariritong  nalilimping maginoo  kahilinga'y dinggin ninyo  buhay na aawitin ko.